Abante Tonite Interactive

Duterte protektado ni Xi Jinping sa puwesto

0 1,871

Nangako si Chinese President Xi Jinping na poprotektahan niya si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa sinumang magtatangka na tanggalin siya sa puwesto.

Ibinida kahapon ni Pangulong Duterte na noong mag-usap sila ni Xi, nagbigay ito ng katiyakan na hindi ito matitibag sa puwesto.

“The assurance of Xi Jinping were very encouraging… ‘We will not allow you to be taken out from your office, and we will not allow the Philippines to go to the dogs,’” kuwento ng Pangulo sa kanyang talumpati sakay ng BRP Davao del Sur na nakadaong sa Casiguran, Aurora, kaugnay ng event para sa Philippine Rise.

Naunang sinabi ng Pangulo na nakatanggap siya ng impormasyon na niluluto ng Centra­l Intelligence Agency (CIA) ng Amerika para siya’y mawala sa puwesto pero itinanggi naman ito ng Estados Unidos.