Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte: Pulis, militar `wag sundin si Gordon

0 90

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at militar na huwag sundin si Senador Dick Gordon kapag mayroon itong nais ipaaresto sa mga ipinatatawag sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa ginagawang imbestigasyon sa mga biniling medical supply ng pamahalaan.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na nakasisiguro siyang gagamitin ni Gordon ang kapangyarihan nito para i-cite for contempt ang mga opisyal na hindi sisipot sa pagdinig ng kanyang komite.

Wala aniyang magagawa ang Senate Sergeant-at-Arms dahil sa kanyang utos sa mga pulis na huwag makialam sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

“Ako naman as Commander-in-Chief of all uniformed personnel of government, I am ordering the police now to stay out. Do not obey the Senate…and also the military. If Gordon feels like calling upon you, again, the same order, stay out because there is a brewing constitutional crisis here,” sabi ng Pangulo.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na hindi na niya padadaluhin sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ang mga miyembro ng kanyang gabinete dahil nasasayang ang oras ng mga ito sa halip na gamitin sa pagtugon sa problema sa COVID-19.

“Sabihin ko sa Sergeant-at-Arms, do not ever attempt to arrest anybody kasi ikaw ang aarestuhin ko,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.