Abante Tonite Interactive

Duterte pupunta sa Japan

292

Nakatakdang bumiyahe patungong Japan si Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo batay aniya sa imbitasyon ni c.

Bagamat walang detalye kung ano ang magi­ging pakay ni Pangulong Duterte sa nakatakdang biyahe nito, sinabi ni Panelo na inaasahang mas lalong magpapatatag pa ito sa relasyon ng Pilipinas at Japan, lalo na sa larangan ng kalakalan.

Abante Hiring – IT dep

“Actually, hindi ko alam iyong exact dates. Akala ko nga May 28. Tinext ko si Chief Protocol Ro­bert Borje, wala pa siyang sagot kung kailan, exact dates,” ani Panelo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung mayroong mga kasunduan na malalagdaan sa pagitan ng dalawang bansa sa nakatakdang pagbisita muli ng Pangulo sa Japan.

Isa umano si Pangulo sa mga panauhing pandangal at magsasalita sa International Conference on the Future of Asia, isang pagtitipon ng mga li­der ng Asia-Pacific Region sa May 30 at 31.

Unang bumisita si Pangulong Duterte sa Japan noong Oktubre 2016 at nasundan noong 2017. (Aileen Taliping)