Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte puwedeng BBM adviser sa drug war – Palasyo

0 92

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong o magbigay ng payo kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. kung hihingin nito sa kanya, ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.

Kaugnay na rin ito sa naunang pahayag ni Marcos na bukas siyang kunin si Pangulong Duterte bilang kanyang drug czar kung nanaisin nito.

“Handa na ang presidenteng mag-retire. On the other hand, sinabi niya rin na kung kailangan ng susunod na Pangulo ng kanyang advice ay nandoon naman siya para tumulong,” pahayag ni Andanar sa panayam ng One Balita Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang sinabi ni Marcos na sa isa nilang pag-uusap ni Pangulong Duterte bago ang halalan noong Mayo 9 ay hiniling umano nito sa kanya na ituloy ang pinaigting na giyera laban sa mga ilegal na droga sa bansa.

Samantala, aalamin din umano ni Andanar ang reaksyon ng pangulo ukol sa inilutang ni Marcos na maging drug czar ito.

“Gusto ko ring malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Presidente Duterte. Meron kaming last, full cabinet meeting ngayong darating na Lunes at siguro mapag-uusapan `yon,” wika ni Andanar. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.