Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Duterte, real-life Internet Explorer’

0 367

Ayon sa mga netizen, si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang human version ng web browser na Internet Explorer.

Binuska kasi nila ang pahayag ng Pangulo ngayong patapos na ang Hulyo na “Perhaps, our number one problem today is COVID.”

Sa pulong kasama ang kanyang Gabinete, Lunes, sinabi ni Duterte sa madla na nagagalit din siya sa nangyari sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019.

“I am as mad as you. Galit ako, pareho tayo, sa nangyari. Ginusto ninyo na buksan ko na ang puwerta. Gusto ko ‘yan. Ang nagpipigil na lang sa akin, ang science. Perhaps our number one problem today is the COVID. COVID is COVID,” ayon pa sa kanya.

Inusisa ng mga netizen kung ngayon lang napagtanto ng Pangulo na ang nasabing sakit ang pinakamahalagang suliranin ng bansa, apat na buwan matapos nitong ideklara ang lockdown bilang pag-iingat sa virus.

Hinalintulad din nila ito sa Internet Explorer, na umano’y mas mabagal kumpara sa iba pang web browser gaya ng Google Chrome at Mozilla Firefox. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.