Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa Gabinete: Huwag matakot gumastos

0 244

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete na huwag matakot gumasta basta makakatulong at makikinabang ang taumbayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“My advice to all of you, basta ginawa lang ninyo para sa bayan at maglagay kayo ng demarcation line doon sa panahon when you took over. Do not be afraid to spend money because that is really intended to be spent,” anang Pangulo.

Pero binigyang-diin ng Pangulo na dapat masunod ang mga panuntunan sa paggastos sa pera.

Ito ay kasunod ng report ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na naging masyadong maingat ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na gamitin ang pondo nito.

Natanong rin aniya nito si Philhealth President Dante Gierran kung bakit halos ayaw maglabas ng pera at sinabing nag-iingat lamang ito.

“Ito sa PhilHealth I could sense the hesitancy, at tinanong ko kung bakit, he’s just being too careful and maybe prudent,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.