Abante Tonite Interactive

Duterte sa Kamara: Bahala kayo kung susundin n’yo ang bet kong Speaker

0 291

Ipapaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi­yembro ng Kamara kung susundin ang rekomendasyon niya na maging Speaker si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang mga kongresista naman ang boboto ng kanilang lider sa ilalim ng 18th Congress.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi siya nakikialam sa trabaho ng Kamara dahil ang mga lider lang naman ng kapulungan ang gusto niyang ayusin.

Isiniwalat din ni Duterte kung bakit niya inendorso ang term-sharing nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ito’y dahil sa unang lumapit umano sa kanya si Cayetano at sumunod naman si Velasco. Ang ikatlong lumapit naman sa kanya na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ay inirekomenda niyang gawing majority leader.

Ikinatuwa ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) na naresolba ni Pangulong Duterte ang usapin ng term-sha­ring sa House Speakership sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

“We made our own term-sha­ring proposal to resolve the issue of House Speaker. But if the Presi­dent himself has resolved the issue, then great!” reaksiyon ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimen­tel III, presidente ng PDP-Laban. (Dindo Ma­tining)