Abante Tonite Interactive

Duterte sa kritiko: Maghintay kayo ng gobyerno n’yo, sumunod kayo sa akin!

By
2,610

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na mainit sa kanyang kautusan laban sa mga tambay sa mga lansangan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang ibang layon sa kanyang direktiba kundi protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

Binatikos ng Pangulo ang mga kri­tiko na sumasakay aniya sa isyu ga­yong hindi naman alam ang batas.

Pinanindigan ng Pangulo na hangga’t hindi naglalabas ng opinyon ang Korte Suprema na nagsasabing iligal ang direktiba laban sa mga tambay ay tuloy-tuloy lang ang trabaho ng mga awtoridad.

“Ang hinahanap lang nila ay mali ng pulis pati ang mali ng mga sundalo. Kaya kayong mga pulis at sundalo huwag ninyo silang pakinggan.

“May isa na pakunwari, if you are not a lawyer do not pretend to be a lawyer because you will appear as an ignorant idiot. You can get killed listening to advice of tour idiots there.

“Dito kayo makinig sa akin kasi pinag-aralan ko itong trabaho ko as a lawyer and I study and I follow what is good,” anang Pangulo.

Ikinairita ng Pangulo ang kabi-kabilang reaksiyon sa kanyang anti-tambay drive lalo na aniya ang mga nagmamagaling na mga kritiko na wala namang alam sa batas, basta lamang makahanap ng isyung ibabato sa kanya.