Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa Meralco: Huwag putulan mga jobless

0 203

Makakahinga na ng maluwag ang publiko matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na palawigin ang no disconnection policy sa kuryente para sa lahat ng lifeliner na nahahanay sa mga may mababang kita at mga walang trabaho sa panahon ng COVID-19 pandemya.

Inihayag ito ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles matapos ang ika-51 pulong ng gabiente ng Pangulo noong Miyerkoles ng gabi.

“The DOE recommended to the President that this no disconnection policy for life liners be continued. And the President readily agreed given that electricity is a basic necessity our countrymen cannot live without,” ani Nograles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, sinabi ng kalihim na mapapawi na ang alalahanin ng publiko na baka maputulan sila ng kuryente, lalo na iyong may mga hindi pa nabayarang bill sa kanilang konsumo.

“Hindi po kayo mapuputulan ng kuryente, hindi po kayo pababayaan ni Pangulong Duterte,” dagdag ni Nograles.

May umiiral na direktiba ang DOE na huwag putulan ng kuryente ang mga low-income consumer na kumukunsumo ng 100 kilowatt pababa habang mayroong pandemya sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.