Abante Tonite Interactive

Duterte sa mga alagad ng Simbahan: Magladlad, magdyowa na kayo!

By
233

Hinamon ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang mga pari na sabihin na ang totoo, sa gitna ng mga alegasyon at pag-abuso na nakasaad sa librong Altar of Sec­rets.

Ginawa ng Pangulo ang ha­mon sa gitna ng talumpati nito sa mga guro at estudyante sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Gen Gregorio del Pilar National High School sa Bulakan, Bulacan ngayong gabi.

Sinabi ng Pangulo na wala naman siyang disgusto sa mga bakla, pero sinabing karamihan sa mga pari ay bakla.

Abante Hiring – IT dep

Mas mabuti aniyang lumantad na lamang ang mga paring ito, kanselahin ang celibacy at ha­yaang magkaroon sila ng mga boyfriend.

Kasabay nito ay muling pinukol ng Pangulo ang mga pari at sinabing ‘wag gamitin ang pulpito para siya banatan.

Tinukoy ng Pangulo ang aniya ay sermon ng mga pari sa gitna ng misa sa pulpito, suot ang abi­to subalit ang paksa ay laban sa kanya.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi niya sinabing hindi siya naniniwala sa Diyos.

Ang sinabi aniya nito ay istupido ang Diyos ng iba, habang ang Diyos na kanyang pinaniniwalaan ay may common sense.