Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa mga Asian leader: Kapit-bisig tayo kesa mag-away

0 190

Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayayamang bansa sa Asya dahil sa umiinit na geographical competition na nakakadagdag sa usaping panseguridad sa rehiyon.

Sa kanyang talumpati sa Nikkei Future of Asia Conference nitong Biyernes, hinikayat ng Pangulo ang mga mayayamang bansa na iwasan ang pagsusulong ng sariling interes sa pamamagitan ng pagsuway sa international law.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mahalagang malutas ang mga hindi pagkakaunawaan sa mapayapang paraan alinsunod sa international law at magkapitbisig sa halip na mag-away.

“If Asia is to serve as an engine of global recovery, we all have to act responsibly within a system of norms, commitments and obligations. We have to resolve our disputes peacefully according to international law. We have to work together, not against each other to achieve common ends,” anang Pangulo.

Ang international conference ay dinaluhan ng mga lider ng Japan, Cambodia, Lao,Malaysia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Thailand at Vietnam, gayondin ang mga pinuno ng iba’t ibang international organization.

Inorganisa ng Nikkei Inc., ang pinakamalaking economic newspaper sa Japan ang conference para talakayin ang kasalukuyang political at economic issues at mga kaganapan sa rehiyong Asya. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.