Abante Tonite Interactive

Duterte sa mga NPA: Sumuko, hindi na kayo magugutom!

388

By Aileen Taliping

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na magbalik-loob sa gobyerno para hindi na makaranas ng kagutuman sa kabundukan.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa General Santos City nitong nakalipas na ilang araw kasabay ang pagtiyak na pati pamilya ng mga ito ay mabibigyan ng tulong mula sa gobyerno.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ng Presidente na papag-aralin ng gobyerno ang mga anak ng NPA at pakakainin din ang mga ito.

Hindi aniya biro ang patakbo-takbo sa kabundukan dahil sa pagtugis ng militar at hindi naman naibibigay ng mga lider-komunista ang sustento sa kanilang mga iniwang pamilya.

“To the NPAs, surrender. You will no longer be hungry and your children will be able to go to school. I will pay for it and I will even feed you,” anang Pangulo.

Bukod sa pagkain at edukasyon para sa mga anak, nangako rin si Pangulong Duterte na bibigyan ang mga NPA ng condo unit sa ipinapatayong housing para sa mga ito, at ipapasok sa TESDA para maturuan ng magagamit sa paghahanapbuhay.