Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa mga switik pharmacy: Babakunahan ko utak nyo!

0 58

Binalaan ni Pangulong Rodigo Duterte ang ilang pharmaceutical companies na tuturukan niya ng bakuna ang utak ng mga ito dahil sa pagiging tuso sa COVID vaccine.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes, ibinunyag ng Pangulo na ilang pharma company mula sa Western countries ang humihingi ng advance payment sa tinutuklas nilang bakuna para umano maka-avail ang Pilipinas sa sandaling maaari na itong ilabas sa merkado.

Sinabi ng Pangulo na malinaw na panloloko ang ginagawa ng mga kumpanyang ito at gusto nilang gastusan ng gobyerno ang kanilang experiment at pagtuklas ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya magpapa-uto sa mga dayuhang pharma company na ito, bagkus sila aniya ang tuturukan niya ng bakuna sa kanilang utak dahil sa kanilang kasakiman sa salapi.

“They want us to finance their experiment and the development of their vaccine. I will buy the vaccine for them and inject it into their brains because they are crazy,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.