Abante Tonite Interactive

Duterte sa mga tambay: Mga obispo holdapin, patayin!

By
396

Nasa fighting mood na naman si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga alagad ng simbahan at pinagdiskitahan ang mga pari at obispo.

Sa kanyang pagsasalita sa birthday ce­lebration ni Masbate Governor Antonio Kho Miyerkoles nang gabi, muling inilabas ng Pa­ngulo ang gigil nito sa mga alagad ng simbahan.

Ikinuwento ng Pa­ngulo sa mga bisita ang ginagawang pagbanat sa kanya ng mga pari at obispo gamit ang pulpito, pati na ang panala­ngin na sana mamatay na ito.

“Itong mga pari you know, do not use the pulpit. Kung magharap ka dun sa nagsisimba, ‘ah yan si Duterte demonyo, demonic possession’ ganun. Tapos pagsabi niya ng ostiya ganon, ‘sana mamatay na yan siya.’ Buang na ito,” anang Pangulo.

Kaya bilang ganti, pabirong sinabi ng Pa­ngulo na inatasan nito ang mga tambay para holdapin at patayin ang mga obispo dahil marami aniyang pera ang mga ito dahil sa ilang beses na pangongolekta sa misa.

“Kaya pagdating ko, Hoy, kayong mga tambay diyan, pag dumaan yang obispo ninyo holdapan yan mara­ming pera yan putangina niya. Patayin mo galit sa akin yung sige yawyaw. Tapos kung mamatay daw ako nag-holy mass ha, sacrament of mass. Nagdasal pa na mamatay ako. Sabi ko patayin mo yan lahat obispo diyan. Mga inutil yan!,” dagdag pa ng Pangulo.

Naunang inihayag ng Pangulo na bastos ang bunganga nito sa mga taong walang ginawa kundi banatan at batikusin siya lalo na kung may kinalaman sa mga extra judicial killing. ()