Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa oposisyon: Labasan tayo ng baho!

0 71

Palaban na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga politikong maaga umanong nag-iingay para sa darating­ na eleksiyon.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na nagsalita na ang Commission on Audit (COA) na walang korapsiyon at walang perang nawaldas pero tuloy ang ingay ng mga politiko.

“Anong sabi ng COA? There is no corruption, there is no money involved. Hindi kayo nahiya niyan? Ngayon you criticize me without mentioning ‘yang first investigation,” anang Pangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maaga aniya ang banatan ngayon sa politika kaya tatapatan niya ang ginagawa ng oposisyon.

“Eleksiyon na kaya ito, maaga ang banatan eh. So ‘yong iba may tinatago, may lalabas na itong lahat. Kung labasan lang naman, eh ‘di ilabas na natin lahat. Baka sabihin ng mga tao kayo lang ang marunong – marunong to be honest,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.