Abante Tonite Interactive

Duterte sa pagsabog: Taal ihian

342

“Kainin ko pa ‘yang ash fall na ‘yun. T***… Pati ‘yang Taal na ‘yan ihian ko ‘yan. P***** i**, b***** na ‘yan. Doon ako sa crater mag…,” sabi pa ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi.

Hindi napigilan ni Pa­ngulong Duterte na bisitahin ang mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal kahit pa kinuwestiyon ang estado ng kalusugan nito dahil sa hindi agad na pagbisita sa Batangas.

Kahapon, tuluyan nang dinalaw ng Pangulo ang mga evacuation center at dito humingi ng taimtim na panalangin at pag-aalay para tumahik umano at hindi na matuloy ang nagbabadyang pagsabog ng Bulkang Taal.

Ginawa ng Pangulo ang pakiusap kahapon sa ginanap na situational briefing kaugnay ng lawak na pinsalang idinulot ng Taal eruption.

“Maybe you have failed to make some offerings there. You should go there and say a little prayer and offer something,” sabi ng Presidente.

“Let’s go by the primitive way of doing it just like what our forefathers were doing. You make some offerings. It was true then , it might be true now,” dagdag pa nito.

“We are Christian country. We believe in no other po­wer than God,” lahad pa ng Pangulo. (Prince Golez)