Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa Pemberton pardon: Akin `yan, walang kuwestiyon diyan!

0 103

Pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon na gawaran ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scot Pemberton.

Nagsalita ang Pangulo sa kanyang Ulat sa Bayan nitong Lunes ng gabi hinggil sa iginawad na absolute pardon kay Pemberton na hinatulang mabilanggo dahil sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude.

“It’s my decision to pardon [Pemberton]. Correct me if I’m wrong, but ito ang tingin ko sa kaso. You have not treated Pemberton fairly. So, i-release ko. Pardon, pardon walang kukuwestiyon diyan,” sabi ng Pangulo.

Hindi umano minonitor ang good conduct time credit ni Pemberton habang nakakulong ito kung kaya’t walang rekord nito.

“`Pag walang record `di mo malaman kung nabilang ba o hindi. `Pagkaganon hindi kasalanan ni Pemberton. He is not required to keep a record of his own and characterize his behavior while inside the prison,” ayon sa Pangulo.

“Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. You have not treated Pemberton fairly. So i-release mo,” aniya pa.

Ipinahayag naman ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na maaaring kuwestyonin ng mga kritiko kung bakit ginawaran ng absolute pardon si Pemberton subalit hindi umano maitatanggi na saklaw ito ng kapangyarihan ng Pangulo sa ilalim ng Saligang Batas.

“Some people may question the wisdom and reasons behind the grant of absolute pardon by the President until they are black and blue. Since we cannot question the exercise of that power by the President under the Constitution, it will be a waste of time and effort to further deliberate on the matter,” sabi ni Lacson.

Inihayag naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa panayam sa telebisyon na wala umanong kinalaman ang Amerika sa iginawad na absolute pardon ng Pangulo kay Pemberton.

Sabi ni Locsin, walang kahilingan mula sa Amerika para pagkalooban ng presidential pardon si Pemberton at maging si US Ambassador Sung Kim umano ay nagulat din sa mga pangyayari.(Prince Golez/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.