Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa publiko: Konting pasensya pa

0 262

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan na dagdagan pa ang pasensiya habang naghihintay ang gobyerno ng lunas laban sa COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na darating din ang takdang panahon na matutuklasan ang mabisang panlaban sa coronavirus.
Marunong aniya ang Diyos at hindi niya papabayaang magdusa ang mga Pilipino dahil sa pandemic.

“You must persevere during this time. Simplehan ko, patience. Darating rin yan. Marunong ang Diyos. Alam niya hindi tayo niya pababayaan especially Pilipinas kasi Kristiyano tayo,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na konting sakripisyo dahil nagsakripisyo din naman ang anak ng Diyos para sa sanlibutan.
“Magsakripisyo lang tayo ng kaunti tutal ang ating idol, nagsakripisyo man rin, pinaghampas-hamoas, ipinako pa sa krus. Tayo pasimba-sinba man lang, luluhod-luhod ka lang diyan,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.