Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sa Senado: Awatin n’yo na si Dick!

0 93

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng humantong sa constitutional crisis kapag hindi naawat si Senador Dick Gordon sa ginagawa nitong imbestigasyon kaugnay sa pondo ng pamahalaan na pinambili ng mga medical supply sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sabi ng Pangulo, sobra at abuso na diumano ang ginagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon kung saan inoobliga dumalo ng halos maghapon ang mga opisyal ng pamahalaan na dapat sana ay nakatutok sa pandemya ng COVID-19 sa bansa.

Kaugnay nito, sinabihan ni Panglong Duterte ang mga kasamahan ni Gordon na awatin na ito.

“Now, kayong mga senador, `you might be offended by my words. Eh yong kasama ninyo sabihan ninyo. Eh `pag hindi rin kayo makaprangka, gusto niyong sumali sa rumble, eh `di mag-rumble tayo,” pahayag ng Pangulo.

Kasabay ito ng pag-utos ni Pangulong Duterte sa militar at pulisya bilang commander-in-chief, na huwag susundin ang anumang utos ni Gordon sakaling may nais itong ipaaresto at kakailanganin ng tulong ng Senate Sergeant-at-Arms.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang sinabi aniya ni Gordon na “till kingdom come” ang isasagawa nitong pag-iimbestiga.

“Iyang `kingdom come’ na `yan, it means that you can summon everybody again araw-araw to the detriment of the workings of government. That is not good. I do not want that to happen,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.