Abante Tonite Interactive

Duterte sa Simbahan: Kung may langit at impiyerno, mag-resign agad ako

1,942

Hindi na naman nai­wasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag­­salita patungkol sa paniniwala sa Diyos sa kabila ng naunang pahayag na mananahimik muna ito.

Sa kanyang talum­pati sa ika-31 anibersaryo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinabi ng Pangulo na hindi pa rin nawawala ang impluwensiya ng paniniwala ng Simbahan na sumasalungat sa paniwala ng gobyern­o na makakabuti sa mamamayan.

Katulad na laman­g aniya ng pagtutol sa family planning progra­m ng gobyerno na hindi mailarga nang husto dahil kontra ang Simbahan dito.

Binigyang-diin ng Pre­sidente na mahigit 100 milyon na ang mga Filipino at patuloy na lumolobo kaya papaano sasabihing may langit kung puro paghihirap ang nararanasan ng dumaraming mga Filipino.

“We have reached the 100 million mark, eh saan ito pupunta? And yesterday I read somebody said we have to implement the family planning. Alam mo sa totoo lang, the family planning with due respect ayaw kong makipag-away.

It has something to do with the objection of religions, not all. I would not mention the faith because again I would not want to quarrel with them. Wala ka mang makuha sa mga gaong ito, puro salita lang,” anang Pangulo.

“And that is why one of my reasons why I do not like itong… the creeping influence of faith is that they sometimes run counter to what government believes to be good for the people. At least in this temporal life, okay na ‘yan sa heaven. Pero alam mo, wala akong nakitang kaibigan ko sa karami ninyo, tsaka ‘yung mga…na pumunta doon tapos may sinabi may langit, tapos may impiyerno doon. Kung may makasabi niyan dito mag-resign ako Presidente bukas. Immediately. May masabi na “May nakita ako na…” You know, your God is not my God. B­ecause ang religion ko is basically a formative process including the values that I … that was passed on to me or I got from my parents,” dagdag na pahayag ng Pangulo.