Abante Tonite Interactive

Duterte sa SWS survey: ‘Very good’

0 109

Ipinamukha ng Malacañang sa mga kritiko ng Duterte admi­nistration na hindi umubra ang kanilang mga banat at paninira dahil sa mataas na resulta ng 3rd quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan mayor­ya ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na batay sa SWS survey, lumilitaw na 78% o walo sa 10 Pilipino ang kuntento sa pamamalakad ng kasalukuyang gobyerno at malinaw na patunay na hindi nakikinig at naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino sa pamumulitika at paninira ng oposisyon.

Natutuwa aniya ang Palasyo sa magandang resulta ng survey dahil ipinapakita lamang ang pagiging tapat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagganap sa kanyang tungkulin.

“A great majority of the Filipino people has once again expressed satisfaction with the performance of President Rodrigo Roa Duterte.

The Palace has been apprised of the results from the survey conducted by the Social Weather Stations from September 27 to 30 of this year, which reveal that 78% of adult Filipinos are satisfied with the general performance of the current government under the Duterte administration,” ani Panelo.

Hindi aniya maikukumpara ang satisfaction rating ng Presi­dente sa mga nakalipas na admi­nistrasyon.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi ibinabase ni Pa­ngulong Duterte ang kanyang trabaho sa numero o popularidad, at sa halip ay nakatutok lamang ito sa kanyang trabaho nang walang hinihinging pabuya o pagkilala. (Aileen Taliping)