Abante Tonite Interactive

Duterte sa US: Sino kayo para pigilan kaming bumili ng submarine sa Russia?

By
1,224

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na ipaliwanag kung bakit pinipigilan ang gobyerno sa plano na bumili ng submarine sa Russia.

Kasunod ito ng na­ging babala ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver na maaaring maapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa pagtangkilik sa mga armas na gawang Russia.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Hugpong ng Pagbabago convention sa Davao City na ang mga kabitbahay na bansa sa Asya ay mayroon ng mga submarino at tanging ang Pilipinas na lamang ang wala at tila gusto ng Amerika na mapag-iwanan ang bansa.

Binentahan aniya ng Amerika ang gobyerno­ ng mga segunda manong helicopters subalit tatlo sa mga ito ay bumagsak na at kasamang namatay ang mga sakay.

“We have been warned not to buy submarines from Russia . Kaya ang sagot ko sa kanila ganito: You meet me in a forum -like and I will invite everybody interested. You state your case why you are against my country­ acquiring submarines. You give me the reason­ why and make it public. You want us to remain backwards? anang Pangulo.

Nagtataka ang Presidente kung bakit hindi pinigilan ang ibang mga bansa sa pagbili ng mga armas sa Russia at bukod tanging ang Pilipinas ang ayaw payagan ng Amerika.

Diskumpiyado ang Pangulo na bumili sa Amerika ng submarino dahil baka sumabog pa ito at mapinsala ang mga sundalo nito.

Tiniyak ng Pangulo na hindi gagamitin ng gobyerno ang bibilhing­ submarino laban sa Amerika o kaya sa China dahil hindi sapat ang armas ng gobyerno para banggain ang mga ito.

“Is that the way how you treat an ally? And you want us to stay with you for all time? Think about it. Why did you not stop the other countries in Aisa, bakit kami pinipigilan ninyo? Who are you to warn us?” sabi ng Pangulo.

“What’s the problem acquiring submarines? We are not using against you, neither can we use against China or anybody else because we are under armed,” dagdag pa nito.