Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sabik na sa COVID bakuna – Roque

0 104

Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang masusunod, nais na nitong magkaroon agad ng bakuna para sa mga Pilipino.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos magbigay ng briefing si Health Secretary Francisco Duque III kung kailan posibleng magkaroon ng bakuna sa Pilipinas.

“Narinig ko po personal ang Presidente nagsabi, ‘naku dapat mas maaga than second quarter’,” ani Roque.

Sinabi naman ni Food and Drugs Administration Director General Eric Domingo na may nakikita nang liwanag sa hinihintay na bakunang panlaban sa COVID-19 dahil sa mga bagong development ngayon sa United Kingdom at Amerika.

Kapag nag-apply aniya sa Pilipinas ang Pfizer at iba pang pharmaceutical companies na nabigyan na ng Emergency Utilization Authority, agad na aaksiyon ang FDA para mayroon nang magamit na bakuna ang mga Pilipino, pinakamaaga ay buwan ng Marso.

“So kapag nag-apply po sila dito sa atin, maaaring by first few weeks of January ay mayroon na tayong maibigay na EUA at baka magkaroon ng chance na mga March ay magkaroon na ng bakuna dito sa Pilipinas,” ani Domingo.

Inihayag ng United Kingdom na magsisimula na silang mamigay ng bakuna sa susunod na linggo gamit ang bakuna ng Pfizer. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.