Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte saludo sa NAS, mga atleta

0 269

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes ang batas sa pagpapatayo sa National Academy of Sports (NAS) at ang naging matagumpay na kampanya ng bansa 30th Southeast Asian Games 2019.

Sa kanyang talumpati sa Batasang Pambansa sa Quezon City, bilib ang Punong Ehekutibo sa Republic Act (RA) 11470 na kanyang nilagdaan nitong Hunyo.

“I appreciate the law of establishing the National Academy of Sports. We can now give our deserving student-athletes the training and the support they need to excel in their chosen field of endeavors,” sambit ng Presidente.

Sinaluduhan niya rin ang tagumpay ng mga athlete sa ginanap na SEA Games sa bansa nitong Disyembre na pinangasiwaan ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), Philippines Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

Leave A Reply

Your email address will not be published.