Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte: Secret pulis ikalat vs riding-in-tandem

0 179

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakalat ng mga nakasibilyang pulis upang masakote ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo para mabilis silang makatakas.

Kasabay nito, nais din ng Pangulo na magsanay ng mga tauhan ng Highway Patrol Group para matugunan ang problema sa mga riding-in-tandem.

“We can train the Highway Patrol. We can train about siguro in one class 30. We have to increase the mobile capacity ng pulis at saka we can buy motorcycles ‘yong mahahaba, all that can negotiate any obstacle, the ordinary obstacles that you’d find in the streets,” sabi ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan Miyerkoles ng gabi.

Mungkahi pa ng Pangulo na magandang gumamit ng 250cc motorsiklo para matugis ang mga kriminal na ito.

Sinabi ito ng Pangulo dahil dumarami aniya ang mga insidente ng krimen sa lansangan habang unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya. Nais umano niyang pagtuunan sa nalalabing dalawang taon ng kanyang termino ang mga kriminal.

“Kapag nakapatay sila, diretso sakay. I saw one footage ‘yong tinabihan lang,” anang Pangulo.

Sinabihan ng Pangulo si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na planuhin ito at kumuha ng mga pulis na ikakalat laban sa mga kriminal sa lansangan. Subalit hindi dapat aniya naka-uniporme ang mga ito para hindi malaman ng mga kriminal na pulis pala.

“Pero hindi nakauniporme. Alam mo we should… I know that it is not advisable but the only way to really counter the anonymity of a criminal is also to fight the thing on the ground. Iyong mga — there should be…detectives again,” sabi ng Pangulo. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.