Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte simot emergency, intel fund sa COVID

0 110

Inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte na ubos ang kanyang contingency at intelligence fund dahil sa pandemyang hatid ng COVID-19 kung kaya’t pinayagan niya na magpatuloy ang e-sabong operation sa bansa.

“Iyong pandemic naubos ang contingency pati `yong intelligence fund. Kailangan ko ng pera for those expenses na wala sa budget, so you need money from the outside sources,” paliwanag ng Pangulo sa kanyang talumpati nang dumalo sa isang aktibidad sa Las Piñas City noong Huwebes.

Sinabi ng Pangulo na P640 milyon kada buwan ang nakokolektang buwis mula sa e-sabong na malaking bagay para sa gastusin ng gobyerno.

SM food to go Banner Ad

“Ngayon, at the end of the year, if I have the billions at 640 million a month, `yon na ang maitulong ko kaagad. Iyong pandemic naubos ang contingency plan ko pati `yong intelligence fund. Binigyan ko lang ‘yang pulis pati military ng… Sabi ko you will just have to work on it,” ayon kay Pangulong Duterte.

Subalit batid aniya ng Pangulo na may mga nalululong na sa e-sabong at kapag napatunayan niya ang mga ito ay ipatitigil niya ang e-sabong bago bumaba sa puwesto.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.