Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sinaluduhan sa PSTC

0 78

Pinasalamatan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Philippine Sports Commission at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pagpapatayo ng Philippine Sports Training Center sa Bagac sa nasabing probinsya na may sukat na 250K metro kuwadrado at nagkakahalaga ng P3.5B.

“Our country has been wanting an advanced national sports training facility for a long time, and the creation of the PSTC could not have come at the most opportune time. We at the PSC are extremely grateful to our beloved President Rodrigo Roa Duterte for making this historic development in PH sports possible,” lahad ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nagpapasalamat po kami sa inyo Pangulong Duterte at sa PSC for choosing Bataan as the site of our PSTC, kung saan ang ating elite athletes ay magte-training at kami ay makapagsisimula ng aming grassroots program for future athletes ng bansa,” hirit ni ni Gov. Garcia, kasama si Cong. Joet Garcia.

Nasa groundbreaking rites din nitong Biyernes bukod kina Duterte, Ramirez, at mga Garcia, sina PSC Commissioners Arnold Agustin, Celia Kiram at Charles Raymond Maxey, at si PSC Chief of Staff at National Training Director Marc Edward Velasco. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.