Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sinibak malupit na ambassador

0 114

Inutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na naging viral ang video kung saan makikitang pinagmamalupitan ang isa sa kanyang mga kasambahay.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan na ginanap Lunes ng gabi na inaprubahan na niya ang pagsibak kay Mauro sa serbisyo sa gobyerno.

Matatandaang si Mauro ay agarang pinauwi at pinag-report ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos kumalat ang video ng pananakit nito sa kanyang kasambahay sa Brazil.

Ang naturang kasambahay ay Pinay din at taga-Cotabato. Nakauwi na rin ito sa Pilipinas matapos ang insidente.

“`Yong ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was …and I signed the document affirming the decision,” anang Pangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na ang pagsibak kay Mauro ay batay sa naging rekomendasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sinabi ng Pangulo na walang makukuhang benepisyo si Mauro at hindi na rin ito maaaring makapagtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Binigyang diin ng Pangulo na may mga polisiyang dapat sundin sa gobyerno pero inabuso ng dating ambassador ang kanyang kapangyarihan.

“`Yan ang parusa mo. So that’s how it is. I said there are rules to be followed, kung ayaw mong sundin you take the risk. If something goes wrong, it gonna hit you,” dagdag ng Pangulo.

Itinalaga si Mauro bilang Philippine ambassador sa Brazil noong 2018. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.