Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sinipa DPWH ‘bagman’ ni Sato

0 236

Malungkot na sasalubungin ng District Engineer ng Occident Mindoro ang Bagong Taon matapos itong sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, inianunsiyo ng Pangulo ang pagsibak sa District Engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umano’y mga ‘ghost project’ sa kanyang distrito.

Dawit din ang pangalan ni Occidental Mindoro Congresswoman Josephine Ramirez-Sato dahil ang hindi pinangalanang district engineer ng Pangulo ang umano’y ‘bagman’ nito.

“Somebody should relay the message na itong si district engineer, kung sino ka man itong yawa na ito, you are relieved beginning tomorrow (Tuesday) .If you are listening , this is nationwide,” anang Pangulo.

Sampung taon na umano sa posisyon ang sinibak na opisyal at kahit mayroong utos si DPWH secretary Mark Villar na ilipat ito ay hindi nangyari dahil sa pakikialam umano ni Sato.

“Her alleged bagman is the district engineer. Secretary Mark issued an order for the transfer of ghe said district engineer. But until now, it has not been implemented due to the intervention of Congressman Sato,” dagdag ng Pangulo.

Hindi naitago ng Pangulo ang galit kaya inatasan si Villar na agad ipatupad ang kanyang utos na patalsikin sa puwesto ang district engineer.

SM food to go Banner Ad

“Secretary Mark Villar, kindly implement the order. Get him out of the office by tomorrow noontime,” wika ng Pangulo.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Duterte ang sinibak na umano’y ‘bagman’ ng solon sa ulat ng Politiko online news, taong 2017 ay pinaimbestigahan kay Sec. Villar ni Lubang Mayor Roberto Sanchez ang District Engineer ng Occidental Mindoro na si Josefino ‘Jose’ Mergal dahil sa overstaying sa puwesto at diumano’y pagkakasangkot sa mga ghost project sa nasabing lalawigan.

Sa reklamo ni Sanchez nasa 19 road project na may halagang P315M ang inakusahan nitong ‘ghost project.’

Kasama rin sa pasabog ni Duterte ang dating district engineer na si Lorna Ricardo na diumano’y kasabwat ni ex- Ifugao Teodoro Baguilar sa kickback.

“Now, District Engineer Ricardo, you have been assigned in Davao City for the longest time. Mayroon ka ng beach house, mayroon ka ng lahat. Sa Davao, you stayed there for the longest time because of the congressman also. You are to report tomorrow to the Office of the Secretary. You are relieved. Ayaw kayong magpa-relieve, then I am ordering you — I’m ordering the relief of Secretary,” giit pa ng Pangulo.

Maliban sa dalawang nabanggit na engineer ay kinaladkad rin ng Pangulo ang mga district engineer na sina Ramon Devanadera , Marlyn, Ana Lee Manzano, Carol Lyn Abinales, Editha Babaran, Edmund De Luna, District Rami Bot, Ireneo Gallato at Romelda A. Bangasan.

“I just want to assure everybody that yung pagbasa sa pangalan ninyo is not a condemnation or an indictment that you are guilty of something ,” anang Pangulo.

Hindi aniya dapat ituring na gospel truth ang listahan dahil baka ginamit lang ang pangalan ng mga kongresista; pero lumabas ang pangalan ng mga ito sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.