Abante Tonite Interactive

Duterte sinisi sa power rate hike

By
9

Sinisi ng isang mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong power rate increase dahil habang kinakastigo nito ang mga oligarch ay patuloy naman niyang ipinapatupad ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na siyang pangunahing dahilan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, kung talagang nais ni Duterte na proteksyunan ang mga consumers laban sa mga oligarch ay buwagin na nito ang EPIRA law.

“So the President’s slamming of oligarchs on his speeches were all just a spectacle, as the fact that they dominate the strategic sector in the country, they remain swimming over giant profits and impregnable,” ani Casilao.

Abante Hiring – IT dep

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag kasunod na panibagong power rate increase na ipapatupad ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan at lalabas sa September bill ng mga consumers.

Sinabi nito na noong taong 2000, ang presyo ng bawat kilowatt per hour na kuryente ay P4.87 lamang subalit noong 2010 o 10 taon matapos maging batas ang EPIRA ay naging P10.35 kWh ang halaga nito o tumaas 112.5%.

“In 2015, according to Ibon, rates were double of pre-Epira period. The country also fared with the most expensive power being highest in Southeast Asia this August 2017, third in September 2016, and fifth in October 2011,” ani Casilao kaya kung nais umano ni Duterte na bumaba ang presyo ng kuryente ay buwagin na ang nasabing batas.