Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sinisi student suicide sa problema ng pamilya

0 96

Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-abandona ng magulang at iba pang problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapakamatay ng estudyante ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Duterte na adbokasiya rin ng kanyang ina ang mga isyu ng iniiwan ng pamilya, “She would always nag my father to come up with a program to intervene.”

“This is not… This is not an indictment of the male specie dito. Pero itong p***** i***** Pilipino na ito, they — they just live together without benefit of a marriage, creating a family, maybe a family home. Mga problema nitong mga unggoy na ito kasi because they do not have — they are not beholden, unless those who are really with the conscience kasi wala mang kasal, iniiwanan lang ang mga pamilya. Iyan ang gusto ko talagang patayin,” sabi ng pangulo.

Dagdag nito, “So I want to bring the DDS here pero mahalata eh. Iyan ang gusto kong patayin, napakawalang-hiya. Diyan ako galit sa mga ganoon. Sa totoo lang. Tapos mambugbog pa.”

Kasunod ito ng ulat ni Education Secretary na may isang estudyante ang naitalang nagpakamatay kaugnay ng nararanasang pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.