Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte sinuspinde uli pagbasura sa VFA

0 228

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan o hanggang Hunyo 2021 ang suspensyon sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Inihayag ito ng kalihim sa kanyang Twitter account nitong Miyerkoles.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang noong Pebrero 2020 ay inatasan ni Pangulong Duterte ang DFA na magpadala ng abiso sa Estados Unidos na nagsasabing tinatapos na ng gobyerno ng Pilipinas ang naturang kasunduan.

Kasunod ito ng pagkansela sa US visa ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.