Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte suko sa pakain ni cong

0 92

Inawat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Caloocan City 2nd District Congresswoman-elect Mary Mitzi Cajayon-Uy sa pagpapadala ng pagkain sa kanya.

Kasabay nito ay binati ni Duterte si Cajayon-Uy, dating executive director ng Council for the Welfare of Children sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagkakaluklok sa Kongreso.

“Hindi ka naman nakatawag, ma’am, busing-busy ako, just to congratulate you. So good as any other time bilib ako,” pahayag ng pangulo sa inagurasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Building Complex sa Pasig City kahapon.

“Pero, ma’am, hintuan mo na ‘yang padala ng pagkain. Araw-araw na lang nakakahiya na eh. Puro ‘Mitz-Mitz’. Saan ang bahay mo? Doon na lang ako magtira sa inyo pagkatapos ko dito,” dagdag ng Pangulo. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.