Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte: Sunugin mga drug lord, kidnapper, pusher

0 71

Dapat sunugin ng buhay ang mga miyembro ng drug syndicates pati na rin ang mga kidnappers.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na mensahe sa bayan sa harap na rin ng mga nakukumpiskang mga illegal na droga sa kabila ng mahigpit na kampanya kontra droga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng Pangulo na dalhin sa masukal na lugar ang mga druglords, kidnappers at drug pushers, buhusan ng gasolina at sunugin dahil ito ang dapat na gawin sa mga ito.

“Itong mga druglord, kidnapper at drug pusher, dalhin sa wala masyadong taong maiskandalo. Buhusan ninyo ng gasolina at sindihan ninyo. Iyan ang dapat sa mga tao na yan,” anang Pangulo.

Muling inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya titigil sa drug war at magpapatuloy ito hanggang sa huling araw ng kanyang termino sa 2022. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.