Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte suportado ng Japan PM

0 338

Kailangang palakasin pa at maging mas matatag ang bilateral relation ng Pilipinas at Japan.

Ito umano ang pangunahing napag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Yuga nitong Miyerkoles.

Nabatid na may 20 minuto rin umanong nagkausap sina Duterte at Suga sa telepono kung saan ay pinasalamatan din ng Pangulo ang pamahalaan ng Japan dahil sa mga tulong na ibinigay nito bilang tugon sa COVID-19 pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpahayag din ng suporta si Suga sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan ng Pilipinas sa krisis na dulot ng COVID-19.

Kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea, kinilala umano ni Suga ang arbitral ruling noong 2016 pabor sa bansa.

Nagkasundo rin sila na magkaroon ng masusing kooperasyon para matiyak ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon sa ilalim ng mga umiiral na batas. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.