Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tinaas buwis sa pork, rice import binaba

0 329

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ang dalawang executive order na itinataas ang buwis para sa pork importation habang ibinaba naman sa pag-aangkat ng bigas.

Batay sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order No. 135 na pansamantalang binawasan ang Most Favored Nation (MFN) tariff rate para sa mga imported na bigas.

Sa ilalim naman ng EO 134 ay itinaas ang buwis para sa mga pork product alang-alang na rin umano sa mga concerned sector at stakeholder, kabilang na ang mga magbababoy sa bansa.

Nagpasya ang Pangulo na taasan ang buwis para sa mga imported pork kasunod ng mga panawagan na baguhin nito ang naunang EO 128 na nilagdaan noong Abril 7. Sa EO 128 ay binawasan ang buwis para sa mga fresh, chilled at frozen pork product.

Sa EO 135 naman ay binawasan ang buwis sa imported na bigas na mula 40% ay ginawang 35% sa mga nakapaloob sa minimum access volume (MAV) at 50% sa loob ng isang taon sa mga nasa labas ng MAV.

Ibinaba umano ang buwis sa imported na bigas bilang konsiderasyon sa presyo nito sa pandaigdigang merkado at sinaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na supply sa bansa. (PNA/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.