Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tinabla mga economic manager: Bakuna muna bago MGCQ!

0 51

Tinabla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng kanyang mga economic manager na ilagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa sa susunod na buwan para makabangon ang ekonomiya at makabuwelo ang mga manggagawa.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inihayag ng Pangulo sa cabinet meeting Lunes ng gabi na walang ipatutupad na MGCQ hangga’t hindi nasisimulan ang pagbakuna sa publiko laban sa COVID-19.

“President Duterte gave his directive to the Cabinet that the Philippines would not be placed under modified general community quarantine unless there is a rollout of vaccines,” ani Roque.

Kinikilala aniya ni Pangulong Duterte ang importansiya na magbukas na ang ekonomiya subalit mas nangingibaw ang pagpapahalaga nito sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.

Nais aniya ng Pangulo na masimulan na ang pagbabakuna sa lalong madaling panahon para mapaluwag na ang community quarantine.

“PRRD also wants vaccination to start the soonest possible time in order to ease the community quarantine,” dagdag ni Roque

Nauna nang hinirit ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na isailalim na ang buong bansa sa MGCQ para makabangon ang ekonomiya. Sinuportahan naman ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.