Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tinabla si Pacquiao

0 827

Tablado si Senador Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng pa-meeting ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Pangulo si Cusi para mag-organisa ng council meeting ng Pardito Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Si Pangulong Duterte ang chairman ng partido.

Sinabi ito ni Roque matapos itulak ni Cusi ang isang national council assembly sa kabila ng panawagan ng ilang kapartido na huwag itong pansinin.

“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” paliwanag ni Roque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, bilang vice chairman ng partido ay inatasan si Cusi ng Pangulo para magpatawag ng council meeting. Layon ng pulong na malaman aniya ang suporta ng mga kapartido sa mga programa ni Pangulong Duterte

Nauna rito ay hinimok ni Pacquiao, presidente ng PDP-Laban, ang mga kapartido na huwag sumali sa national assembly na ipinatawag ni Cusi.

Naglabas pa ang senador ng isang memorandum nitong Mayo 25 kung saan sinabihan nito ang mga kapartido na isnabin ang imbitasyon ni Cusi para sa isang national assembly na gaganapin sa Mayo 31.

Sabi pa ni Pacquiao, dapat aprubado niya o ng Pangulo ang pagpapatawag ng anumang pulong ng PDP-Laban. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.