Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tinitimbang pa quarantine sa NCR Plus

0 459

Binabalanse pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon bago pagpasyahan kung palalawigin o hindi ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Nais aniya ng Pangulo na mapag-aralan ang mga impormasyon sa kasalukuyang sitwasyon partikular ang Health Care Utilization Rate sa NCR at sa apat na lalawigan, pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ginawang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayong araw, Abril 11, magtatapos ang tinakdang ECQ sa NCR Plus bubble.

Nananatili pa ring mataas ang COVID case sa nabanggit na mga lugar sa kabila ng dalawang linggong lockdown. Puno rin ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa dami ng mga tinamaan ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.