Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tinupad pangako vs terorismo – Esperon

0 1,136

Nagpahayag ng pasasalamat si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil nilagdaan nito ang bagong batas laban sa terorismo.

“Kami sa security cluster ay talagang nagpapasalamat sa ating Pangulo dahil tinupad niya ang kanyang pangako na bibigyan ng solusyon ang mga kaguluhan sa Pilipinas,” sabi ni Esperon sa panayam sa Laging Handa public briefing, Sabado ng tanghali.

“Pinag-aralan niyang mabuti ang naibigay sa kanya ng Kongreso na panukalang batas at kami ay nagpapasalamat na pinirmahan iya ito,” dagdag ng kalihim.

Bukod kay Pangulong Duterte, nagpasalamat din si Esperon sa mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso na sinuportahan ang pagpapatibay ng Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

“Alam ko dito dalawa lang hindi pumirma sa mga senador. Napakarami pumirma na congressman, 35 lang nag-object,” ani Esperon base aniya sa pagkakatanda niya.

Tiniyak naman nito na gagamitin ng pamahalaan ang batas na ito para sa kaligtasan ng ating sambayanan.

“This anti-terrorism act will bring about a culture of security based on legality, based on orderliness, and based on due regard for life….human life,” ayon pa kay Esperon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.