Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tsinugi DAR chief

0 141

Halos isang linggo na lang sa poder ay hindi pa pinatawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa miyembro ng kanyang gabinete at nagawang sibakin.

Sa ulat ng Politiko online news, base sa nilalaman ng inilabas na memorandum na may petsang Hunyo 20, 2022 ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan ay itinatalaga si Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary David Erro bilang officer-in-charge ng kagawaran hanggang sa Hunyo 30.

Ipinalit si Erro sa sinibak ni Pangulong Duterte na si Bernie Cruz na tumayong acting secretary ng DAR.

Itinalaga si Cruz na acting DAR secretary noong Nobyembre 2021 matapos magbitiw sa puwesto ni Secretary John Castriciones na tumakbo sa Senado pero natalo.

Matapos ang halos isang linggo lamang sa puwesto ni Erro ay papalitan naman ito ni Abono party-list Rep. Conrado Estrella III na napiling kalihim ng DAR ni President-elect Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

Leave A Reply

Your email address will not be published.