Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tuliro sa laban-bawi ni Bong Go

0 203

Tila nalilito na rin maging si Pangulong Rodrigo Duterte sa laban-bawi na diskarte ni Senador Bong Go kaugnay ng pagtakbo nito sa 2022 presidential elections.

Bumisita ang Pangulo sa Zamboanga City kahapon at binanggit nito sa kanyang talumpati na dapat magpasya si Go kung tatakbo ba o hindi sa pagka-pangulo.

“Ano ba talaga, Bong? Tatakbo ka o hindi?” tanong ni Pangulong Duterte.

SM food to go Banner Ad

Noong Martes, inanunsiyo ng senador na aatras siya sa presidential election dahil tutol umano ang kanyang pamilya na tumakbo siya.

“We respect your decision lalo na kung pamilya. Wala na tayong magagawa diyan,” sabi ng Pangulo.

Gayunman, hanggang kahapon hindi pa pormal na binawi ni Go ang kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec). (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.