Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte tutuldukan 24 oras na talpakan

0 218

Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa 24 oras na operasyon ng online sabong sa bansa.

Sa kanyang `Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na hindi magandang isipin na ang buong bansa ay malayang nakakapagsugal sa online kahit na anong oras.

“I do not agree with Pagcor that the games should run 24 hours. It’s only done in America, pero dito talo pa, it’s not the hotel but the entire nation is free to go gambling. I seem to disagree with the proposition,” sabi ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, titingnan niya kung ano ang puwedeng paraan para hindi magtuloy-tuloy ang 24 oras na talpakan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inutos din ni Pangulong Duterte na alamin ang katotohanan sa mga ulat na may mga pamilya na nalululong sa e-sabong.

“Some say that a lot of people are participating, betting into the sabong games at lahat na, mga asawa, mga anak sumali na. I don’t know if it’s true, nagbebenta na raw, nagmo-mortgage na para lang makalaro at kung ano-ano, nagka-utang-utang,” sabi ng Pangulo.

Nais malaman ni Pangulong Duterte kung gaano karaming Pilipino na ang nalulong sa e-sabong at kung gaano kaseryoso ang pagkalulong ng mga ito sa naturang sugal. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.