Abante Tonite Interactive

Duterte ultimatum sa Kadamay: Layas kung ayaw niyong mamatay

By
2,383

Nasagad na ang pasensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong Kadamay kaya binigyan ng ultimatum ang mga ito hanggang Biyernes nang tanghali para lisanin ang lugar na tinatangka nilang agawan ng pabahay sa Rodriguez, Rizal.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng may apat na libong barangay chairman sa Calabarzon, hindi napigil ng Pangulo ang galit sa grupo at ibang makakaliwang grupo.

Kung gusto aniya ng mga ito ng away ay pagbibigyan niya ang mga ito dahil may utos na siya sa mga pulis at sundalo na huwag hayaang makapang-agaw ng pabahay ang mga ito.

Kung magkamatayan ayon pa kay Pangulong Duterte ay problema na ng Kadamay dahil ipinapatupad lamang ang batas.

“Ako nagwa-warning ha. Sabi ko sa pulis kunin ninyo uli. Kung gusto ninyo ng away, sabihin ko sa pulis bigyan ninyo ng away. Kung magkamatayan ‘wag kayo mauna, pero kung kailangan pumatay kayo para i-implement ang legal na regulas­yon, gawain ninyo. Mamatayan, lima anim, pito? wala akong pakialam.

“Kayong mga kadamay, umalis kayo diyan, pagka- nag­kaletse-letse ang buhay diyan may mamatay. Before the nation sabihin ko, well that is my order. Mahirap yang i-hostage mo ako na takutin mo ako ganon eh. Ngayon sino ang gustong tumulong sa inyo? ‘Yung mukha ko sinusunog niyo tapos manghingi ka sa akin ng bahay, gago ka ba?” ang galit na pahayag ng Pangulo.

Pinagbalingan din ng galit ng Presidente ang ibang makakaliwang grupo na nanununog ng kanyang effigy at paggamit ng kanyang litrato sa urinal sa University of the Philippines (UP) na aniya ay huwag siyang subukan dahil minsan na rin siyang naging militante.