Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte ‘wag iwan sa giyera vs China

0 251

Suportado ng Frontliner’s movement si Pangulong Rodrigo Duterte kung magdeklara siya ng giyera laban sa isang agresibong bansa upang maprotektahan ang patrimonya at mahahalagang resources ng Pilipinas.

Ang pangulo ng Lingkod Bayanihan Frontliners Movement (LBFM) na si Atty. Leo O. Olarte, MD, dating presidente rin ng Philippine Medical Association (PMA) at pangulo ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) ay nagpahayag na ang lahat ng mga Pilipino ay dapat buo ang suporta kay Duterte sakaling magpasya na ito na magdeklara ng giyera laban sa agresibong bansa kung ito ang natatanging paraan para mapangalagaan ang interes, patrimonya at dignidad ng ating bansa.

“We fervently pray that the fluid situation at the West Philippine Sea will never ever lead into a shooting war in the region. Nobody here wants to go to war unless inevitable. Although we always rely on diplomacy to settle international disputes, sometimes diplomacy also has its limits. Every Filipino must prepare for this possibility. We must seek out in our hearts for the crucial patriotism and nationalism demanded from all of us as citizens when our country’s patrimony and dignity is at stake. The West Philippine Sea (WPS) is clearly ours. The Hague Decision on the United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) favoring the Philippines is final. ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA ..SA MANLULUPIG DI KA PASISIIL, ” ani Olarte na binanggit pa ang isang talata ng pambansang awit.

Nauna rito, sa lingguhang pakikipag-usap sa mga tao ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na “Magiging madugo” ang ating gagawin paghabol sa WPS energy resources gamit ang navy ships. If we go there (WPS) to assert our jurisdiction, it will be bloody. But when we start to mine, when we start to get whatever it is in the bowels of the China Sea, our oil, by that time I will send my grey (Navy) ships there to stake a claim. If they (China) start drilling oil there, I will tell China, is that part of our agreement? If that is not part of our agreement, I will also drill oil there. If they get the oil, that would be time that we should act on it.”

Noong Hulyo 12, 2016, nagwagi ang Pilipinas sa international ruling sa WPS at inihayag ng Pangulo na walang paraan para ipatupad ng Pilipinas “nang walang anumang pagdanak ng dugo” isang palatandaan na 2016 arbitral na pagpapasiya na malinaw na binibigyang diin ang pinakamataas na karapatan ng Pilipinas sa eksklusibong economic zone na ito.

Ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay lumalim noong nakaraang mga linggo.

Paulit-ulit na pinrotesta ng Maynila ang presensya ng Beijing sa pagdeploy ng mga barko sa pinag-aagawang teritoryo na inaangkin ng China na isa lamang daw na normal at lehitimo.

Samantala, naglabas naman ng matinding pag-aalala ang Estados Unidos (US) sa “maritime militia” ng China sa WPS at sinusuportahan ang Pilipinas na matagal na nitong kaalyado sa militar na pinapanatili ang active mutual defense pact. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.