Abante Tonite Interactive

Duterte ‘wag sisihin sa pagkamatay ng mga pari

By
2,863

Umalma ang Malacañang sa bintang ng ilang obispo na ang mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahan ang nag-udyok sa pagpatay sa ilang pari.
Kasunod ito ng tatlong magkakasunod na pagpatay sa mga pari sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kahit kailan ay hindi nagsulsol ang Pa­ngulo kaya hindi dapat isisi sa kanya ang pagkamatay ng tatlong pari.

Wala aniya siyang matandaang nagsalita si Pangulong Duterte para udyukan ang mga masasamang loob na pumatay ng mga pari.

“No. He has never incited these killings,” ang maiksing pahayag ni Roque.

Matatandaang sa loob lamang ng maik­ling panahon ay tatlong alagad ng Simbahan ang nilikida ng mga hindi nakilalang salarin.

Unang pinatay na pari ng mga hindi pa nakikilalang salarin ay si Father Mark Ventura, sumunod si Father Tito Paez at nito lamang nakalipas na ilang araw ay pinatay din si Father Richmond Nilo.

Mainit ang Pangulo sa mga kritiko ng kanyang anti-drug war, kasama na ang Simba­han, kaya bumanat ito at iniladlad ang mga baho umano ng ilang pari at obispo sa pamamagitan ng librong may pamagat na “Altar of Secrets”.