Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte walang go signal sa Ivermectin vs COVID

0 393

Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) para gamitin ang gamot na Ivermectin sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa sa tinalakay sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu ng Ivermectin pero walang ibinigay na direktiba hinggil dito ang Pangulo.

Ipinaliwanag aniya ni FDA Director General Eric Domingo sa halos 10 oras na IATF meeting ang isyu sa naturang gamot at sa kanyang update nabatid na mayroon ng nag-apply para sa ‘compassionate use’ ng Ivermectin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Antayin na lang po natin ang aksiyon ng FDA sa mga naisampa ng aplikasyon for Ivermectin,” ani Roque.

Ngayong mayroon na aniyang nag-apply sa FDA ay maaari ng iproseso ito para mapag-aralan kung maaari nga ba gamitin ang Ivermectin laban sa COVID-19.

Ang Ivermectin ay gamot para sa hayop na pumapatay ng mga microorganism katulad ng bakterya at iba pa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.