Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte: Walang mayaman sa iligal na droga

0 97

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na walang mayayamang Pilipino na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Aniya, hindi na kinakailangan ng mga mayayaman na sumangkot sa mga ganitong Gawain dahil may pera na sila.

“Walang mayaman ngayon na Pilipino nasa droga. Mayaman na eh, eh kaya nga mayaman na eh. Ang big fish na hinahabol ninyo hindi ‘yong mga milyonaryo, hindi sila Ayala… Si Pangilinan, ‘yon ang gusto ninyo? They are not there. Mayroong dumating na big time dito pero nahabol rin ng gobyerno, patay,” ayon pa kay Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Lucena City.

SM food to go Banner Ad

Tinukoy ng Pangulo ang apat na Chinese na napatay sa anti-drugs operation sa Zambales kamakailan lang.

“Ang hindi talaga ninyo mapasok sa utak ninyo ‘yong mga big fish kakapatay lang ng apat na Chinese. Iyon ang mga big fish dito,” wika ng Pangulo.

“Huwag kayong maghanap ng mga big fish na mga mayayaman o anak ng mayayaman. Hindi na kailangan na magnegosyo ng shabu ‘yan, mayaman na nga eh,” aniya pa. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.