Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte wapakels sa mga PDP Senate bet

0 184

Walang schedule si Pangulong Rodrigo Duterte para samahan sa kampanya ang mga kandidato ng PDP-Laban para sa senatorial election.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, wala sa official calendar ng Pangulo ang anumang ang aktibidad kaugnay sa pangangampanya ng mga napipisil nitong kandidato.

“With regard to physically joining mga senatorial candidates ay wala pong official entries in his official calendar,” sabi ni Nograles sa press briefing kahapon.

Samantala, wala pa rin aniyang inihayag si Pangulong Duterte na magiging `manok’ para sa presidential election.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Well, balikan natin `no iyong sinabi ni Pangulo in his previous ‘Talk to the People’ address and I quote: ‘At this time, I am saying that I am not supporting anybody unless there is a compelling reason really for me to change my mind and decide to support a candidate.’ So, so far, ganoon pa rin po ang stand ni Pangulo,” ayon kay Nograles.

Samantala, tinanong din ang kundisyon ng Pangulong Duterte na katatapos at sinagot ito ng kalihim na maayos at abala ito sa kanyang trabaho.

“Okay naman si Pangulo, busy with work,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.