Abante Tonite Interactive

Duterte-Xi talks sa arbitral ruling sinuportahan ng mga senador

0 223

Suportado ng mga senador ang planong pagtalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng soberanya at joint exploration sa West Phi­lippine Sea (WPS) sa kanilang pagkikita ni Chinese President Xi Jinping nga­yong buwan.

“I fully support this move to take up the issue with Chinese counterpart. I just hope something positive comes out of it, although if I want to be realistic, between the arbitral ru­ling and the joint oil exploration, the latter has a better chance to progress when the two leader talks towards the end of this month,” sabi ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang text message.

Matatandaan na pinaboran ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 2016 ang Pilipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea pero pansamantalang hindi isinulong ng administrasyong Duterte ang arbitral ruling.

Abante Hiring – IT dep

Ngayong Agosto ay muling pupunta sa China si Duterte para makipagpulong kay Xi.

“It’s called timing. He probably thinks this is the best time to take it up. It’s all about timing!” sabi naman ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang text message sa mga reporter.

Sinang-ayunan din ito ni Senador Francis Tolentino.

“It just shows the dynamics of diplomacy – the timing, the balancing of factors both internal and external should be left to the chief architect of our foreign policy — the Presi­dent and it just shows that he is really actin­g for the greater interests of the Filipino nation,” ani Tolentino.

Si Senador Ronald Dela Rosa naman ay sinabing kasama siya sa gagawing pakikipagpulong ni Duterte kay Xi.

Ang pagbisita ni Duterte sa China ay panglima na sapul nang maging Pangulo ito ng bansa noong 2016. (Dindo Matining)